Home NATIONWIDE DOH Usec. Perez-Chiong nagbitiw na sa pwesto

DOH Usec. Perez-Chiong nagbitiw na sa pwesto

1
0

MANILA, Philippines – Kinumpirma ni Department of Health (DOH) Undersecretary Dr. Emmie Liza Perez Chiong na nagbitiw na siya sa pwesto kasunod ng pagkakatalaga kay Dr. Jose Pujalte Jr. bilang bagong secretary ng ahensya.

“Technically, when the new secretary arrived early on nu’ng July, nag-ask siya ng courtesy resig sa ExCom. Pero ako po nag-submit ng courtesy resignation to the President, who was my appointing authority, so it was dated July 15,” ani Chiong sa panayam ng DZBB.

Ang hakbang ay upang magbigay-daan umano sa bagong liderato ng DOH.

“So para din bigyan ng daan kung anong gustong direction ng bagong secretary, and he can choose the people who work for him, and I respect that, the new secretary,” dagdag pa niya.

Bago mag-resign ay hinawakan ni Chiong ang oral health at medical tourism sa DOH.

Si Assistant Secretary Christian Lel Saquilabon ang pumalit sa kanyang pwesto.

“Ang nakalagay sa paper ng Malacañang si Asec Lel Saquilabon, pero Asec Lel has been with the department. We have worked together, and wala naman po kaming problema,” sinabi ni Choing.

“Ang akin lang, kung ano po ‘yung nagawa ko, sana higitan niya pa kasi po ang aking pinaglalaban sa department ay hindi napapansin na aspeto ng kalusugan, [ang] oral health and medical tourism ng bansa,” dagdag pa niya.

Patuloy na maglilingkod si Chiong sa Communications Office sa DOH bagamat maghihintay pa ito ng anunsyo ni Pujalte.

“I really don’t know yet. Sec. Brix will definitely issue a new DPO (Department Personnel Order),” sinabi pa ni Chiong.

Ang pagkakatalaga kay Pujalte noong Hulyo ay kasunod ng pagbibitiw sa pwesto ni dating health secretary Ted Herbosa dahil sa umano’y health concerns. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here