Home NATIONWIDE DOH: Walang nakaambang lockdown sa mpox

DOH: Walang nakaambang lockdown sa mpox

98
0

MANILA, Philippines- Sinabi ng Department of Health (DOH) na hindi magkakaroon ng ‘lockdown’ sa kabila ng anunsyo ng bagong kaso ng mpox sa bansa.

Ito ang tugon ni Health Spokesperson Albert Domingo sa katanungan hinggil sa posibilidad ng panibagong lockdown dahil sa mpox kung saan idineklara na ng Works Health Organization (WHO) ang virus bilang public health emergency of international concern dalawang linggo na ang nakararaan.

Ayon kay Herbosa, iba ang mode of transmission at equipped na ang Pilipinas kumpara sa COVID-19 na tumama sa bansa .

Sinabi ni Domingo na ang mga pagsisikap ng bansa tungo sa pagsugpo sa pagkalat ng virus ay eksakto kung ano ang iginiit ng WHO na dapat gawin ng mga bansa, partikular sa pagtatatag ng malakas na mga sistema ng pagsubaybay na mas mabilis na makatutuklas ng mga kaso upang mabigyan ang mga pasyente ng kinakailangang interbensyon.

Batay sa impormasyon ng ahensya, ang mga pasyente 10, 11, at 12 ay walang kasaysayan ng paglalakbay sa ibang bansa o pakikipag-ugnayan sa mga dayuhan. Ang lahat ng mga ito, gayunman, ay sinabi na nagkaroon ng malapit, intimate skin-to-skin contact nang hindi bababa sa tatlong linggo bago magkaroon ng mga sintomas.

Gayunman, sinabi ni Domingo na ang posibilidad ay palaging naroon dahil lahat ng mga pasyente ay mula sa Metro Manila.

Malamang na ang bilang ng mga aktibong kaso sa bansa ay maaaring higit sa tatlo.

Ipinaliwanag ni Domingo na ang pagpapabagal sa pagkalat ng virus at pagwawakas ng transmission ay mangyayari lamang kung ang publiko pati na ang mga establisimyento ay makikipagtulungan at susunod sa mga pangunahing mensahe mula sa mga eksperto sa kalusugan at gobyerno.

Umapela si Domingo sa publiko lalo na sa mga pangunahing populasyon kung saan mas karaniwang naobserbahan ang pagkalat ng virus.

Binanggit ng DOH ang iba’t ibang elemento na maaaring humantong sa pagkalat ng virus sa hindi makontrol na antas. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here