Home NATIONWIDE VP Sara bumuwelta sa Kamara sa ‘impeachment plot’ sa kanya

VP Sara bumuwelta sa Kamara sa ‘impeachment plot’ sa kanya

MANILA, Philippines- Iginiit ni Vice President Sara Duterte nitong Martes na dokumentado umano ang pagsisikap ng mga miyembro ng Kamara na patalsikin siya sa pwesto.

“As a friend, I will not violate the confidence of a few members of the House of Representatives who have either recorded conversations or participated in shared conversations regarding each impeachment proceedings against me. Nonetheless, this is nothing new,” pahayag ni Duterte sa kanyang opening statement sa House committee on appropriations deliberations sa panukalang P2 bilyong budget ng OVP para sa 2025.

Sinabi niyang nagdeklara na ang isang miyembro ng Kamara sa isang panayam na “in light of the possible numerous violations of the OVP on the use of the P125 million confidential funds which is not in the 2022 General Appropriations Act, we are not discounting the fact that it may file an impeachment case.”

“Talks on impeachment have been ongoing for several weeks. Surprisingly, despite the absence of proof as to any wrongdoing, she already revealed the grounds for impeachment when she was also quoted as saying especially on the misuse of public funds, technical malversation, and violation of the 1987 Constitution,” dagdag ni Duterte.

Nagsilbi si Duterte na running mate ni dating Senator Ferdinand Marcos Jr. sa 2022 presidential polls sa ilalim ng ticket na tinaguriang Uniteam.

Subalit, nagsimulang lumitaw ang umano’y lamat sa alyansa sa gitna ng umano’y political at policy differences. 

Noong Mayo 2023, nagbitiw si Duterte mula sa Lakas-CMD party bilang chairperson at miyembro nito, at sinabing hindi siya makapaninilbihan sa bansa sa gitna ng “political toxicity.”

Hindi siya nagbanggit ng pangalan, subalit ang presidente ng Lakas-CMD at 2022 campaign manager ni Duterte ay si Speaker Martin Romualdez, pinsan ni Marcos.

Hunyo ng taong ito, nagbitiw naman si Duterte bilang Education Secretary “out of concern for teachers and students.” RNT/SA