Home NATIONWIDE Sheila Guo, Cassandra Ong pinakakasuhan na

Sheila Guo, Cassandra Ong pinakakasuhan na

MANILA, Philippines- Ipinasasampa na ng National Prosecution Service (NPS) ng Department of Justice ang mga kaso laban kay Sheila Guo, kapatid umano ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at ang kinatawan ng sinalakay na ilegal na POGO hub sa Porac, Pampanga na si Cassandra Li Ong.

Sa 12 pahinang resolusyon ng NPS, nakitaan ng sapat na ebidensya upang maisampa sa korte ang mga kasong Using false Philippine Passport laban kay Sheila Guo na isang Chinese national na ang tunay na pangalan ay Zhang Mier batay sa kanyang Chinese passport.

Nahaharap din si Shiela Guo sa kasong Disobedience to Summons matapos hindi dumalo sa mga ipinatawag na pagdinig ng Senado na nag-iimbestiga sa illegal POGO operations.

Si Ong ay mahaharap naman sa kasong Obstruction of Justice at Disobedience to Summons.

Ang resolusyon ng NPS ay resulta ng isinagawang inquest proceeding nitong nakaraang linggo matapos mahuli ng Indonesian authorities batay sa kahilingan ng Philippine government.

Si Sheila Guio ay may deportation case din sa Bureau of Immigration dahil sa pagiging undesirable alien at misrepresentation as a Filipino national. Teresa Tavares