MANILA, Philippines – INANUNSYO ng Malakanyang na nagbitiw sa puwesto si Justice Undersecretary Jojo Cadiz, na nauna nang pinangalanan ni dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co sa corruption schemes sa gobyerno.
Sa katunayan, kinumpirma ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang na nagsumite na ng kanyang resignation letter si Cadiz.
Iyon nga lamang, wala namang impormasyon si Castro kung tinanggap na ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
“Sa ating pagkakaalam, siya po ay nag-submit na ng kanyang resignation,” ayon kay Castro.
Si Cadiz ay ikinanta ni Zaldy Co na di umano’y bagman ng Pangulo, at may koneksyon din umano sa isang malaking construction company na nakakuha ng mga proyekto sa ilocos Norte.
Si Cadiz ay sinasabing dating aide ni Pangulong Marcos matapos masangkot ang pangalan sa eskandalo sa flood control scam ay nagbakasyon si Cadiz sa DOJ noong nakalipas na linggo. KRIS JOSE