Home HOME BANNER STORY Sarah Discaya at iba pa, mahaharap sa kasong kriminal sa DavOcc ‘ghost’...

Sarah Discaya at iba pa, mahaharap sa kasong kriminal sa DavOcc ‘ghost’ project

349
0

MANILA, Philippines – INANUNSYO ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mahaharap sa kasong kriminal ang kontrobersiyal na kontratista na si Cezarah Rowena “Sarah” Discaya at iba pang personalidad kaugnay sa “ghost” flood control project sa Jose Abad Santos, Davao Occidental.

Sa isang video message, sinabi ni Pangulong Marcos na inirekumenda ng Office of the Ombudsman ang paghahain ng “malversation through falsification at violation of Section 3(e) of Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act.”

Maliban kay Discaya, ang iba pang respondents ay sina Ma. Roma Angeline Remando, mga kinatawan ng St. Timothy Construction Corp., at maging ang ilang personnel mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

“Meron pang iba mga ibang nasa ahensya ng DPWH na nasama rin sa kasong ito. Dahil ayon sa Ombudsman, ang mga respondent ay naglabas at nag-apruba ng mga dokumentong ginagamit para sa pag-request at pag-release ng buong halaga na halos P100 milion pesos kahit na walang natapos o nasimulang proyekto,” ang sinabi ng Pangulo.

“Ayon sa kanilang finding, ang mga respondent na ito ay kumilos ng may manifest partiality, bad faith o gross negligence. Nagdulot sila ng undue injury sa gobyerno at nagbigay ng unwarranted benefit sa kontrakto at may pakikialam ang ilang private respondent sa nangyaring sabwatan.
Nagrekomenda ng ombudsman na magsampa ng kaso para sa malversation through falsification at paglabag ng RA3019 section 3E,” aniya pa rin sabay sabing “Maging mga video at larawan na hinarap ng respondent ay walang time stamp at hindi ma-validate na tumutukoy sa proyektong ito.”

“Ang malversation ay non bailable. Mabigat ito dahil hindi nila mababayaran ang kanilang paglaya. Pag naisampa na ang mga kasong ito sa korte, ang susunod na hakbang ng judiciary ay ang paglabas ng arrest warrant para sa mga pinangalanang indibidwal,” ang pahayag ng Chief Executive.

Samantala, inatasan naman ni Pangulong Marcos ang Department of the Interior and Local Government at Philippine National Police na kagyat na i-secure ang kinaroroonan ni Discaya at iba pang respondents upang masiguro ang agarang pag-aresto sa mga ito sa oras na maipalabas na ang warrant.

“Umpisa pa lang ito,” ayon sa Pangulo sabay sabing “Marami pa tayong ipapakulong at marami pang magpapasko sa kulungan.” KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here