Home NATIONWIDE DOJ kumpiyansa sa pagpabor ng Timor Leste sa extradition ni Teves

DOJ kumpiyansa sa pagpabor ng Timor Leste sa extradition ni Teves

MANILA, Philippines- Sigurado na ang Department of Justice (DOJ) na pinal na kakatigan ng Korte ng Timor-Leste ang extradition request ng Pilipinas para kay dating Negros Oriental Representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr.

Sinabi ni Justice spokesperson Mico Clavano na wala nang bagong argumento na mailalabas ang kampo ni Teves at natalakay na lahat sa Court of Appeals kung kaya doble ang tiwala ng DOJ na mapababalik na sa Pilipinas si Teves.

Magugunita na pinaboran ng Timor-Leste ang extradisyon ni Teves.

Ngunit naghain ang kampo ni Teves ng motion for reconsideration sa naturang ruling.

Maghahain na rin ng komento ang prosecutor general kaugnay sa motion for reconsideration ni Teves.

Nanindigan si Clavano na luma na ang argumento ng kampo ni Teves sa kanilang motion for reconsideration.

“It seems like a rehash of all their arguments to begin with. Political persecution, the fact that we have the death penalty here and all these other arguments which have already been ruled upon before.”

Samantala, ipinaliwanag ni Atty. Ferdinand Topacio, legal counsel ni Teves, na mayroong 30 araw ang Prosecutor-General ng Timor-Leste para maghain ng komento.

Nananatili naman umanong masigla at masaya si Teves.

Nahaharap ang dating mambabatas sa patong-patong na kasong murder dahil sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at siyam na iba pa noong Marso 2023. Teresa Tavares