MANILA, Philippines – Naggsagawa lamang ng technical site assessment ang Department of Justice (DOJ) sa pagtutulungan ng Philippine Coast Guard, PNP-CIDG at sa isang bahagi ng Taal Lake.
Ayon kay DOJ Assistant Secretary Mico Clavano, sinuri muna ng team ang kondisyon ng tubig sa lawa at ang area kung saan gagawin ang search and retrieval operation.
Pero ito ay depende pa rin umano sa kondisyon ng panahon kaya naman posibleng bukas, Hulyo 1 pa simulan ang search and retrieval opeartions ng mga technical divers ng Philippine Coast Guard (PCG).
Base umano sa nakalap nilang impormasyon mula kay alyas Totoy at sa iba pang mga credible na mga impormante ay ay nasa 30 meters ang lalim ng lake o ng eksaktong area na kanilang isi-search.
Inatasan din si Coast Guard District Southern tagalog Commander, Commodode Geronimo Tuvilla na pamunuan ang lahat ng tactical operation kabilang ang pagbibigay ng gabay sa kaligtasan ng mga tauhan at pagsaalang-alang sa kalikasan.
Sinabi pa ni Clavano na kumpiyansa naman sila pero kailangan pa rin na i-validate ang bawat impormasyon na kanilang natatanggap lalo pa ngayon na mayroon na silang lead at hawak na testigo, bukod pa sa marami nang lumalapit pa na ibang imoormante. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)