MANILA, Philippines – Naniniwala ang Department of Justice (DOJ) na nasa Pilipinas pa rin ang negosyanteng si Charlie ‘Atong’ Ang na itinuturing sangkot sa mga nawawalang sabungero.
Ito ay base sa impormasyon na hawak ng DOJ.
Ayon kay DOJ Sec. Fredderick A. Vida, tiwala aniya siya sa impormasyon o ebidensyang kalakip ng inihaing kaso sa kabila ng mosyon ng kabilang kampo.
Patuloy din aniya ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga enforcement agency para mahanap si Ang.
Nitong nakaraan, naghain ng ‘motion to quash’ ang kampo ni Ang upang ipawalang bisa ang ‘arrest warrant’ na inisyu ng korte.
Nauna nang naglabas ng arrest warrant ang Sta. Cruz, Laguna RTC laban kay Ang at Lipa City Batangas kung saan siya ay nahaharap sa kasong kidnapping with homicide at kidnapping and serious illegal detencion.
Samantala, ang isa pang warrant of arrest ni Ang mula sa Regional Trial Court ng San Pablo, Laguna ay hindi pa nailalabas ng korte. Jocelyn Tabangcura-Domenden