Home NATIONWIDE PCG: Pagsuporta sa claim ng China sa WPS, maaaring ituring “treason”

PCG: Pagsuporta sa claim ng China sa WPS, maaaring ituring “treason”

185
0

MANILA, Philippines – Nagbabala si PCG Spokesperson for West Philippine Sea (WPS) Commodore Jay Tarriela, na ang pagsuporta sa mga pag-angkin ng China sa nasabing teritoryo kapalit ng soberanya at karapatan ng Pilipinas ay maituturing na “treason.”

Ginawa ni Tarriela ang pahayag kasunod ng mainit na debate sa pagitan ng mga opisyal sa Senado at House of Representatives tungkol sa isyu ng West Philippine Sea.

Ayon sa batas ng Pilipinas, ang treason ay krimen ng “[pagpapasimula ng digmaan laban sa Pilipinas o pagpanig sa kanyang mga kaaway]” sa panahon ng digmaan.

Nagkaroon ng bangayan sina Sen. Francis Pangilinan at Rodante Marcoleta noong nakaraang linggo tungkol sa eksaktong coordinates ng bahagi ng South China Sea kung saan may soberanong karapatan ang Pilipinas.

Ngunit binigyang-diin ni Tarriela na matagal nang naresolba ang isyu sa pamamagitan ni dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio at mga legal na eksperto, na binanggit ang 2016 Arbitral Award na pabor sa Pilipinas at nagpawalang-bisa sa nine-dash line claims ng China.

“Ang simpleng katotohanan na ito ay napagdesisyunan na ng Arbitral Tribunal at kinilala natin ito bilang arbitral award na pabor sa Pilipinas, at pinabulaanan ang nine-dash-line claim ng People’s Republic of China, wala nang dahilan para gawing isyu pa ito,” sabi ni Tarriela.

Binanggit din niya ang Philippine Maritime Zones Act, na naging batas at pormal na nagtatakda ng mga maritime entitlements ng bansa. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here