MANILA, Philippines – Nakatakdang lumagda ng isang kasunduan sa pagitan ng Department of Justice, Presidential Communications Office, at Department of Information and Communications Technology upang paigtingin ang koordinasyon laban sa online disinformation.
Gaganapin ang Memorandum of Agreement o MOA signing ngayong araw, alas-1 ng hapon, sa Justice Hall sa Manila.
Layunin ng kasunduan na tugunan ang lumalalang pagkalat ng maling impormasyon—kabilang ang deepfakes at iba pang digitally altered media—na maaaring makaapekto sa tiwala ng publiko at sa integridad ng impormasyon.
Sa ilalim ng MOA, magtutulungan ang mga ahensya sa mas pinaigting na monitoring, information sharing, at pagpapatupad ng batas laban sa mga lumalabag sa cyberspace.
Inaasahan ding magreresulta ito sa mas mabilis at mas epektibong aksyon laban sa mga kaso ng online disinformation sa bansa. Jocelyn Tabangcura-Domenden