MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Justice (DOJ) na hindi nais na maging state witness ang mag-asawang Curlee at Sarah Discaya sa kasalukuyang imbestiagsyon sa flood control projects.
Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla dapat sabihin ng mga Discaya ang buong katotohanan, buong kasaysayan at hindi pwedeng mamili lamang ng nais sabihin.
“Given what we know there shoukd be restitution. Kaya sinabi ko kay Senate President, kung ako, ayoko na ibigay yung status (state witness) kasi hindi forthcoming,” aniya.
Dagdag pa niya, susuriin din ng pamahalaan ang kwalipikasyon ng iba pang tao gaya ng mga engineers na sangkot sa kontrobersay bago maging testigo.
Aniya may ilang mga batas na namamahala sa mga state witness. Jocelyn Tabangcura-Domenden