Home HOME BANNER STORY DOJ: Whistleblowers nagbigay ng sapat na ebidensya para isangkot mga opisyal

DOJ: Whistleblowers nagbigay ng sapat na ebidensya para isangkot mga opisyal

260
0

MANILA, Philippines – Sinabi na lahat o ‘telling all’ na ang mga engineers at contractors sa Department of Justice (DOJ), nagbigay ng sapat na ebidensiya na magdidiin sa mga senador at mga mambabatas kaugnay sa maanomalyang flood control projects, ayon sa isang opisyal nitong Biyernes.

Sinabi ni Justice Undersecretary Jesse Andres na ang mga inhinyero ay sina Brice Hernandez, Henry Alcantara, Jaypee Mendoza, RJ Domasig, dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo, at kontratista na si Sally Santos.

Sinabi niya na sa puntong ito, may sapat nang ebidensiya ang DOJ na magdidiin sa ilang mga senador at mga kongresista.

Batay sa sinumpaang testimonya nina Alcantara, Hernandez, at Mendoza, inirekomenda noon ng National Bureau of Investigation ang paglilitis sa ilang mga mambabatas sa DOJ, kabilang ang dating Pangulo ng Senado na si Francis “Chiz” Escudero at dating mambabatas na si Zaldy Co.

Lahat ng mga personalidad na umano’y sangkot ay itinanggi ang mga alegasyon.

Nilinaw naman ni Andres na ipinaalam na nila sa mga whistleblower na hindi sila bibigyan ng blanket immunity.

Pinatunayan din niya ang isyu ng restitution. Sinabi ng undersecretary na nakikipagtulungan na ang mga whistleblower sa aspetong ito at maaaring magbalik ng hanggang P1 bilyon sa kaban ng bayan.

Samantala, sinabi ni Andres na hindi na nakikipagtulungan ang mag-asawang contractor na sina Curlee at Sarah Discaya. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here