Home METRO Doktor binangga na nga ginulpi pa sa Ermita

Doktor binangga na nga ginulpi pa sa Ermita

MANILA, Philippines – Sugatan ang isang doktor matapos bugbogin ng naka-alitang motorista na nakabangga sa kanya sa Maynila nitong Huwebes.

Sa ulat, papasok na ang doktor sa kanyang trabaho sa isang ospital sa Quezon City bilang isang Internal medicine nang biglang may bumangga sa likurang bahagi ng kanyang sasakyan sa bahagi ng Roxas Boulevard service road sa Maynila.

Dahil sa laki ng pinsala sa sasakyan ng biktima, hindi ito pumayag sa ibinibigay ng suspek na halagang isang libong piso na nagresulta ng pagwawala ng suspek.

Dito na nagpatawag ng pulis ang biktima. Sinubukan naman umanong umawat ang kasama ng suspek ngunit nagpatuloy pa rin sa pananakit.

Tyempo namang may napadaan na pulis sa lugar kaya naaresto ang suspek at dinala sa Ermita Police Station at sinampahan ng relamong physical injury. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)