Home NATIONWIDE P17M tobats nasabat sa Cebu buy-bust

P17M tobats nasabat sa Cebu buy-bust

MANILA, Philippines – Nakumpiska ng mga awtoridad ang 2.5 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P17 milyon mula sa isang suspek na naaresto sa isang buy-bust operation sa Mandaue City, Cebu, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nitong Biyernes.

Ayon sa PDEA, ang 22-taong-gulang na babae ay inaresto noong Miyerkules ng gabi sa isang operasyon na pinangunahan ng PDEA Regional Special Enforcement Team, kasama ang Mandaue City Police intelligence at drug enforcement units, sa Barangay Tipolo.

Kasama ng mga iligal na droga, nakumpiska rin sa suspek ang P300 na buy-bust money at isang cellphone.

Ayon sa PDEA, ang mga nakumpiskang ebidensya ay ipinadala sa Philippine National Police 7 Regional Forensic Unit para sa chemical analysis at tamang disposisyon.

Maghahain ng kaso laban sa suspek ukol sa pag-aari at pagbebenta ng iligal na droga ayon sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, dagdag pa ng ahensya. RNT