Home NATIONWIDE DA: Pagrekober ng suplay ng baboy posible sa 2-3 linggo

DA: Pagrekober ng suplay ng baboy posible sa 2-3 linggo

217
0

MANILA, Philippines  Sinabi ng Department of Agriculture (DA) na maaaring makabangon ang supply ng baboy sa bansa sa susunod na tatlong linggo, sa gitna ng pagtaas ng presyo ng baboy sa Metro Manila.

“Normally kasi galing tayo ng Christmas season, ang laki ng consumption. Ngayon, bumagsak ang konsumo, naubos din ang iyong supply ng kaunti” ayon kay DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. sa ambush interview .

Ayon sa DA nitong Miyerkules, ang presyo ng pork liempo sa Metro Manila ay mula PHP370 kada kilo hanggang PHP450/kg; habang ang kasim ay mula PHP330/kg hanggang PHP400/kg, ayon sa DA Bantay Presyo (price watch).

“Sa tingin ko, by two to three weeks, rarami na uli ang supply” ayon pa sa Kalihim.

Tiniyak ng DA chief na walang supply shortage, ngunit kinilala ang epekto ng African swine fever (ASF) sa industriya ng baboy.

“Ang populasyon ng baboy natin dati ay 14 milyon hanggang 15 milyong ulo. Now, it’s down to 7 million heads,” ani Tiu Laurel.

Simula noong Disyembre 27, 2024, ang bilang ng mga red zone o barangay na may aktibong kaso ng ASF ay bumaba sa 225 mula sa 365 noong Disyembre 6. (Santi Celario)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here