Home METRO Doktor na tumuli sa 10-anyos na nasawi sa Tondo, peke!

Doktor na tumuli sa 10-anyos na nasawi sa Tondo, peke!

MANILA, Philippines – Lumabas sa resulta ng imbestigasyon na pekeng doktor ang babae na nagsagawa ng pagtutuli sa isang 10-taong-gulang na bata sa isang klinika sa Tondo kung saan namatay ang bata.

Ayon sa Manila Police District, ang suspek ay isang senior citizen na dati nang nagkunwaring lisensiyadong doktor at naaresto noong 2023 matapos i-raid ang isang lying-in clinic sa Balut, Tondo.

Ginamit niya ang pangalan at lisensya ng isang tunay na doktor na dating katrabaho niya.

Matapos makapag-piyansa, muli siyang nagkunwaring doktor at isinagawa ang pagtutuli noong Mayo 17.

Nagka-komplikasyon ang bata at idineklarang patay sa ospital. Walang tamang permit ang klinika.

Isinasagawa na ng NBI ang autopsy upang tukuyin ang sanhi ng pagkamatay. RNT