MANILA, Philippines – Humihingi ng kabuuang ₱130 milyon na danyos ang mga pamilya ng mga nasawi sa SCTEX crash noong Mayo 1 laban sa Solid North Bus Company, ayon sa DOTr.
Ang pamilya nina Jonjon at Daina Janica Alinas ay nagsampa ng civil case sa Quezon City Hall of Justice para humingi ng ₱50 milyon na danyos, kabilang ang pagkawala ng kita at moral damages.
Nagsampa rin ng hiwalay na kaso ang iba pang pamilya sa Antipolo City at humihingi ng ₱80 milyon na danyos. Sampung tao, kabilang ang apat na bata, ang nasawi at mahigit 37 ang nasugatan.
Sinuspinde ng DOTr ang operasyon ng kumpanya ng bus sa loob ng 30 araw.
Ayon sa Solid North, tinatanggap nila ang responsibilidad at inilarawan ang insidente bilang isang “isolated case.” RNT