Swak sa kulungan ang dalawang lalaki na nangholdap sa isang coffee shop sa Maypajo, Caloocan matapos makunan ng CCTV.
Armado ng Uzi submachine gun, tinangay nina alyas “Topher” at “Balueg” ang dalawang iPad at P2,500 mula sa mga customer at kaha.
Agad silang nasakote ng pulisya sa follow-up operation.
Mahaharap sila sa kasong robbery, habang si “Topher” ay may dagdag na kaso sa ilalim ng RA 10591 at Omnibus Election Code dahil sa ilegal na armas. (Merly Duero)






