DINAPIGUE, Isabela – Nanawagan ang mga residente, kabilang na ang mga Indigenous Peoples, religious sector, at Non-Government Organizations (NGOs) sa bayan ng Dinapigue, Isabela na itigil na ang walang habas na panggagahasa sa inang kalikasan o pagkalbo ng kabundukan sa bahagi ng Sierra Madre dahil sa patuloy na pagmimina sa lugar.
Kaya’t iminungkahi ni Mayor Vicente Mendoza ang agarang imbestigasyon matapos ang panawagan ng kanyang mga kababayan na pansamantalang itigil ang operasyon ng Dinapigue Mining Corporation (DMC), na umani ng batikos dahil sa sinasabing deforestation sa Sierra Madre.







