Home NATIONWIDE DOLE magbibigay ng tulong pinansyal sa mga manggagawang apektado ng RSSI infestation

DOLE magbibigay ng tulong pinansyal sa mga manggagawang apektado ng RSSI infestation

1
0

MANILA, Philippines – Nangako ang Department of Labor and Employment (DOLE) na magbibigay ng agarang tulong pinansyal sa mga manggagawa sa industriya ng asukal na apektado ng pagkalat ng red-striped soft scale insect (RSSI).

Sa consultative dialogue kasama ang Sugar Tripartite Council (STC) sa DOLE Central Office sa Intramuros, Maynila, binigyang-diin ni DOLE Secretary Francis N. Tolentino ang patuloy na suporta ng ahensya upang mapanatili at mapalakas ang industriya ng asukal.

Tinalakay rin ng mga stakeholder ang pangangailangan ng agarang tulong pinansyal para sa mga agricultural worker na naapektuhan ang arawang sahod at kabuhayan dahil sa infestation.

Tiniyak naman ni Bureau of Workers with Special Concerns (BWSC) Director Leilani Reynoso na mabibigyan ng napapanahong tulong ang mga apektadong manggagawa.

Ayon kay Reynoso, maaari ring sumali ang mga ito sa TUPAD Flagship Innovations program upang magkaroon ng karagdagang kita at suporta sa kabuhayan.

“Puwede natin i-open sa mga affected itong TUPAD innovations; meron po yung SkillPass at mga training na puwedeng gawin. Meron ding Tulong-Aral, Sagip-Trabaho, meron din pong in terms of livelihood assistance,” ani Reynoso.

Ang pinahusay na TUPAD framework ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tiyaking mabilis na makapagbigay ng tulong ang mga employment program habang binibigyan ang mga manggagawa ng pagkakataong magkaroon ng bagong kasanayan at pangmatagalang kabuhayan.

Muling magpupulong ang DOLE at STC upang talakayin ang iba pang isyu at alalahanin ng mga sugar farmer at agricultural worker. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here