Home NATIONWIDE PBBM, itinalaga si COA chair Cordoba bilang bagong SC associate justice

PBBM, itinalaga si COA chair Cordoba bilang bagong SC associate justice

1
0

MANILA, Philippines – Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Commisson on Audit (COA) chairperson Gamaliel Cordoba bilang bagong Supreme Court associate justice.

Papalitan ni Cordoba si Supreme Court Amy Lazaro-Javier, na nakatakdang magretiro sa November 16, 2026.

Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na hindi pa ma-anunsyo ni Pangulong Marcos kung sino naman ang magiging kapalit ni Cordoba bilang COA chairperson.

Ayon kay Castro, ang pagtatalaga ng Pangulo ng opisyal sa ibang ahensiya ng gobyerno ay dahil sa nakitaan niya ito ng potensiyal para sa bagong tanggapan.

“Nakikita ng Pangulo sino yung mga taong nararapat na makasama at manatili sa administrasyon. Nakikita niya kung ano yung kanilang mga potensyal. Nakitaan niya ng kagalingan so ilalagay niya sa mga pwesto na mas kakailanganin pa ang kanilang galing,” ang winika ni Castro.

“Kapag ang isang leader o isang head ng agency ay nailipat sa ibang ahensya, hindi ibig sabihin na siya nawala ng tiwala dahil mas lalong pagpupursigihan nung na-appoint sa bagong posisyon na dapat siya pang ipakita ang kanyang kagalingan,” aniya pa rin.

Sa kabilang dako, sa kanyang naging panahon sa COA nagsumite ang ahensiya ng 50 fraud audit reports sa Office of the Ombudsman at Independent Commission for Infrastructure.

In-institutionalized din nito ang GPS-based geotagging ng lahat ng government infrastructure project sa buong bansa para siguruhin ang tamang beripikasyon ng kalagayan ng mga proyekto.

Nagtamo si Cordoba ng kanyang bachelor of arts in economics noong 1992 at juris doctor noong 1996 sa Ateneo de Manila University.

Pumasa siya sa Bar noong 1997 at bago pa magtrabaho sa gobyerno noong 2001, nag-praktis si Cordoba ng law sa isang private law firm at nagtrabaho bilang isang tax lawyer.

Nagsilbi rin si Cordoba bilang external auditor ng International Labour Organization at World Trade Organization.

Naging Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Supreme Audit Institutions para sa taong 2024 at 2025.

Nagsilbi rin si Cordoba bilang komisyonado ng National Telecommunications Commission sa ilalim ng apat na administrasyon mula 2009-2022.

Inaprubahan niya ang pagpasok ng Starlink sa isang record 30 minutes para dalhin ang satellite internet sa mga liblib na komunidad at nalansag ang text scams at online child sexual abuse material.

Ngayong taon, nakatanggap si Cordoba ng Gawad Gat Andres Bonifacio Award, itinuturing na mataas na pagkilala ng Lungsod ng Maynila.

Samantala, ang pagkakatalaga kay Cordoba ay bahagi ng pinakabagong batch ng pagbabago sa liderato sa ilalim ng administrasyong Marcos. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here