Home NATIONWIDE DOLE, naglabas ng guidelines kontra poor air quality sa trabaho

DOLE, naglabas ng guidelines kontra poor air quality sa trabaho

1
0

MANILA, Philippines – Naglabas ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng bagong guidelines upang maprotektahan ang mga manggagawa laban sa health risks dulot ng mahinang air quality sa workplace.

Sa Labor Advisory No. 15, Series of 2026, inatasan ang mga employer na magsagawa ng Hazard Identification, Risk Assessment and Control (HIRAC) upang matukoy ang exposure ng mga manggagawa sa air pollution. Nakalista rin sa opisyal na DOLE issuances ang advisory bilang “Guidelines on the Protection of Workers from Poor Ambient Air Quality.”

Dapat gamitin ng mga employer ang Air Quality Index at action points ng Department of Environment and Natural Resources at Department of Health, at regular na i-update ang kanilang risk assessment kapag nagbabago ang air quality o kondisyon sa workplace.

Kapag umabot sa very unhealthy level ang air quality, dapat bantayan ng employer ang official advisories, magbigay ng angkop na personal protective equipment, pagbutihin ang indoor ventilation, at limitahan o suspendihin ang outdoor work.

Maaari ring ikonsidera ang flexible work arrangements kapag acutely unhealthy na ang kondisyon ng hangin.

Kung umabot naman sa emergency level, mariing inirerekomenda ng DOLE ang suspensyon ng nonessential work o paggamit ng alternative work arrangements upang maprotektahan ang kalusugan ng mga manggagawa.

Nilagdaan ni Labor Secretary Francis Tolentino ang Labor Advisory No. 15 noong Setyembre 18, 2026. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here