MANILA, Philippines – May karapatan sa 200 porsyento ng kanilang suweldo sa dalawang makasunod na regular holidays ang mga manggagawa sa pribadong sektor na nagtatrabaho sa Abril 9 (Araw ng Kagitingan) at Abril 10 (Eid’l Al Fire o katapusan ng Ramadan).
Sa Labor Advisory No. 05 na inilabas nitong Biyernes, Abril 5, pinaalalahanan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga employer na sundin ang mga pay rules.
Ang 200 porsiyento na sahod ay sumasaklaw sa unang walong oras.
Sa lampas sa walong oras, sinabi ng DOLE na babayaran ng employer ang empleyado ng karagdagang 30 porsiyento ng hourly rate.
Kapag lampas sa walong oras sa panahon ng isang regular holiday na pumapatak din sa araw ng pahinga ng empleyado, ang overtime pay ay kinukuwenta sa hourly rate.
Ang mga empleyado naman na nagtatrabaho sa panahon ng regular holiday na papatak sa kanyang pahinga o rest day, sila ay makakatanggap ng karagdagang 30 porsiyento ng basic wage ng 200 porsiyento.
Sa lampas sa walong oras sa panahon ng isang regular na holiday na pumapatak din sa araw ng pahinga ng empleyado, ang overtime pay ay kinukuwenta sa hourly rate ng basic wage x 200 porsiyentong x 130 porsiyento x bilang ng mga oras ng nagtrabaho.
Kung ang empleyado ay hindi nagtatrabaho, ang employer ay magbabayad ng 100 porsiyento ng sahod ng empleyado para sa araw na iyon, sa kondisyon na ang empleyado ay mag-uulat sa trabaho o nasa level of absence na may agad na bayad bago ang regular holiday.
Kung ang araw bago ang regular holiday ay isang araw na walang pasok sa establisyimento o ang nakatakdang araw ng pahinga, ang empleyado ay may karapatan sa holiday pay kung siya ay pumasok sa trabaho o nasa leave of absence na may bayad agad sa araw bago ang araw na walang pasok o araw ng pahinga.
Ginugunita ang Araw ng Kagitingan upang bigyang pugay ang mga sundalong nakipaglaban at namatay para sa kalayaan laban sa mga mananakop na Hapones sa Battle of Bataan noong 1942.
Ang Eid’l al-Fitr ay isa sa dalawang pangunahing holidays ng mga Muslim at pinagdiriwang sa pagtatapos ng buwanang Ramadan mula madaling araw hanggang sa paglubog ng araw na pag-aayuno. Jocelyn Tabangcura-Domenden