MANILA, Philippines – Pinaalalahanan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga employer para sa tamang pasahod sa kanilang mga empleyado na papasok sa trabaho sa All Saints’ Day na isang special non-working holiday at Bonifacio Day.
Batay sa Labor Advisory No. 13 series ng 2025, sinabi ng DOLE na ang mga sumusunod na tuntunin sa pagbabayad ay dapat ilapat sa Oktubre 31 (bisperas ng Araw ng mga Santo), at Nobyembre 1 (All Saints’ Day) na parehong itinuturing na special non-working holidays at Nobyembre 30 (Bonifacio Day), isang regular holiday.
Ang advisory ay may petsang Oktubre 21, Martes.
Ang mga tuntunin sa pagbabayad ng departamento ay ang mga sumusunod:
Special (Non-Working) Day — October 31 (eve of All Saints’ Day), at
November 1 (All Saints’ Day)
Regular Holiday — November 30 (Bonifacio Day)
Inilabas ng Malacanang ang listahan ng regular at special non-working holiday para sa 2025 noong Oktubre 2024. Jocelyn Tabangcura-Domenden