Home NATIONWIDE DOLE nagpaalala sa tamang computation ng sahod sa paparating na holiday

DOLE nagpaalala sa tamang computation ng sahod sa paparating na holiday

1
0

MANILA, Philippines – Nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employer tungkol sa tamang computation ng sahod ng mga empleyadong papasok sa trabaho sa Ninoy Aquino Day (Agosto 21) at National Heroes’ Day (Agosto 31).

Ngayong taon, idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Ninoy Aquino Day bilang special non-working day bilang paggunita sa pagkamartir ni dating Sen. Benigno Aquino Jr.

Sa isang advisory, sinabi ng DOLE na iiral ang “no work, no pay” policy sa Agosto 21.

Ngunit kung papasok ang empleyado sa Agosto 21, babayaran siya ng karagdagang 30% ng basic wage para sa unang 8 oras ng trabaho, at karagdagang 30% din ng hourly rate para sa oras na lalagpas sa walong oras, ayon sa ahensya. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here