Home NATIONWIDE Mga mangingisda sa SC: Ibalik aming karapatan sa municipal waters

Mga mangingisda sa SC: Ibalik aming karapatan sa municipal waters

1
0
(c) Remate File Photo

MANILA, Philippines – Humingi ng reconsideration sa Korte Suprema ang mga mangingisdang sina Pablo Rosales at Ronald Reyes para bawiin ang desisyong nag-alis umano sa kanilang prayoridad sa pangingisda sa municipal waters.

Sa 29-pahinang petisyon na inihain nitong Biyernes sa tulong ng Oceana Philippines International, kinuwestiyon nila ang pasya ng SC noong Enero 21 na nagpawalang-bisa sa FAO No. 266 ng Department of Agriculture at nagdeklarang ilegal ang 24-oras na monitoring sa mga commercial fishing vessel.

Ayon sa grupo, direktang tatamaan ng desisyon ang mga municipal fisherfolk na malinaw na pinoprotektahan ng Konstitusyon at ng Fisheries Code.

Giit pa ng grupo, ginagarantiyahan ng RA 8550 ang prayoridad na paggamit ng municipal waters para sa mga lokal na mangingisda, diin nila.

Sa ilalim ng batas, ang municipal fishing ay tumutukoy sa pangingisda sa loob ng municipal waters gamit ang sasakyang 3 gross tons pababa, o pangingisdang hindi na kailangan ng bangka.

Inilabas noong Oktubre 2020, pinatibay ng FAO No. 266 ang FAO No. 260 sa pamamagitan ng pag-alis sa mga exemption — kasama na rito ang mga barkong humuhuli ng “straddling at highly-migratory fish stocks.”

Layunin din nito ang mahigpit na monitoring at vessel monitoring system o VMS para sugpuin ang illegal, unreported at unregulated fishing o IUUF, alinsunod sa direktiba ng DA at mga LGU.

Unang binasura ng Malabon RTC noong 2021 ang FAO 266 matapos maghain ng petisyon ang Royale Fishing Corp., Bonanza Fishing and Market Resources Inc. at RBL Fishing Corp.

Hinahamon ng mga mangingisda ang SC na ibalik ang proteksyon at igalang ang karapatan ng maliliit na mangingisda sa sarili nilang karagatan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here