Home NATIONWIDE DOLE, nanguna sa ASEAN Labour Inspection Committee para sa 2027

DOLE, nanguna sa ASEAN Labour Inspection Committee para sa 2027

2
0

MANILA, Philippines – Pormal nang inako ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pamumuno sa ASEAN Labour Inspection Committee (ALICOM) para sa 2027 sa ika-6 na pagpupulong nito sa Clark Freeport Zone, Pampanga.

Sa ilalim ni Labor Secretary Francis N. Tolentino, pangungunahan ng DOLE ang rehiyonal na komite sa pagsusulong ng proteksyon sa mga manggagawa at pagpapalakas ng kooperasyon sa labor inspection sa Southeast Asia.

Tinanggap ni DOLE Undersecretary Felipe Egargo Jr. ang chairmanship sa ngalan ng departamento. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng maagap na labor inspection upang matiyak na naipatutupad ang mga batas at napoprotektahan ang mga manggagawa sa kanilang mga lugar ng trabaho.

Tinalakay rin sa pulong ang ALICOM Work Plan 2022-2030 na may apat na prayoridad: pagpapalakas sa kakayahan ng mga labor inspector, pagpapatupad ng mga pamantayan sa informal economy at micro, small and medium enterprises (MSMEs), proteksyon sa mga bulnerableng manggagawa, at paggamit ng digital tools.

Kabilang sa komite ang mga kinatawan mula sa 10 bansang kasapi ng ASEAN, gayundin ang mga observer delegation mula sa Timor-Leste, International Labour Organization (ILO), International Association of Labour Inspection (IALI), mga samahan ng employers at trade union councils. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here