Home NATIONWIDE DOLE sa mga kompanya: Empleyado payagang mag-leave para sa tigdas vax ng...

DOLE sa mga kompanya: Empleyado payagang mag-leave para sa tigdas vax ng mga anak

223
0

MANILA, Philippines – Hinimok ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga kumpanya na payagan ang mga empleyadong may anak na wala pang limang taong gulang na mag-leave upang samahan ang kanilang mga anak sa bakuna kontra tigdas at rubella.

Ayon sa Labor Advisory No. 02-2026, hinihikayat ng DOLE ang mga employer na suportahan ang Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR-SIA) ng Department of Health (DOH) sa pamamagitan ng pagpapaluwag sa empleyado mula sa trabaho para sa iskedyul ng bakuna o sa pag-aalaga sa mga anak na nakararanas ng epekto ng bakuna.

Maaaring gamitin ng empleyado ang umiiral na leave credits, alinsunod sa patakaran ng kumpanya o collective bargaining agreement, at kinakailangang magpakita ng katibayan ng pagbabakuna.

Hinimok din ng DOLE ang mga kumpanya na magbukas ng kanilang lugar para sa MR-SIA, na maaaring maisama sa kanilang occupational health o family welfare programs.

Maaaring makipag-ugnayan ang mga employer sa DOH o sa lokal na pamahalaan para sa iskedyul ng bakuna. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here