Home HOME BANNER STORY Domeng lumakas habang papalapit sa Batanes

Domeng lumakas habang papalapit sa Batanes

22
0

MANILA, Philippines – Bahagyang lumakas ang Bagyong Domeng habang kumikilos sa karagatan silangan ng Batanes, ayon sa PAGASA.

Bandang alas-4 ng hapon noong Mayo 31, namataan ang sentro ng bagyo 650 kilometro silangan-hilagang silangan ng Itbayat, Batanes. Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 130 kph malapit sa gitna at pagbugsong hanggang 160 kph.

Ayon sa PAGASA, lalo pang palalakasin ng bagyo ang southwest monsoon o habagat, na magdadala ng malalakas hanggang gale-force na hangin sa ilang bahagi ng bansa, kabilang ang Batanes at Babuyan Islands.

Inaasahang mananatili ang pinakamalakas na lakas ng Bagyong Domeng habang nasa Philippine Sea at hindi ito inaasahang magla-landfall sa Pilipinas. Posible itong kumurba pahilaga patungong Japan.

Tinatayang lalabas din ang Bagyong Domeng sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong Hunyo 1.

Nagbabala rin ang PAGASA sa mga mangingisda at maliliit na sasakyang-pandagat dahil sa maalon na karagatan at malalakas na hangin sa mga apektadong lugar. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here