Home HOME BANNER STORY Domeng magpapaulan na sa ilang bahagi ng bansa

Domeng magpapaulan na sa ilang bahagi ng bansa

43
0

MANILA, Philippines – Magsisimula nang magdala ng mga pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa ang Tropical Storm Domeng.

Sa huling ulat ng PAGASA, ang bagyong Domeng ay huling namataan 1,130 kilometro silangan ng Central Luzon taglay ang lakas ng hangin na 85 kilometro kada oras at pagbugso na hanggang 105 kilometro kada oras.

Kumikilos ito sa direksyong West Northwestward sa bilis na 10 kilometro kada oras.

Nakakaapekto naman ang Southwesterly Windflow sa Palawan at kanlurang bahagi ng Visayas at Mindanao.

Sa lagay ng panahon, makararanas ang Eastern Visayas, Sorsogon, at Masbate ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil sa trough ng Tropical Storm Domeng.

Maulap na kalangitan na may kalat-kalat din na pag-ulan ang thunderstorm ang mararanasan sa Western Visayas, Negros Island Region, Zamboanga Peninsula, SOCCSKSARGEN, BARMM, Palawan, Occidental Mindoro, at Lanao del Norte dahil sa Southwesterly Windflow

Samantala, ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa naman ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms dahil sa Localized Thunderstorms. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here