Manila, Philippines – Sa isang interview, sinabi ni Dominic Roque na tumigil na siya sa pag-aartista.
Ayon sa aktor, bago pa raw nag-pandemic ay hindi na siya tumatanggap ng anumang acting offers.
Feeling din niya ay kinakalawang na rin siya sa pag-arte dahil matagal na rin siyang hindi humaharap sa kamera.
So far, nag-eenjoy naman daw siya sa kanyang pinagkakaabalahan sa kasalukuyan.
Mas bet din daw niya na malayo siya sa limelight dahil mas tahimik ang buhay niya.
Dagdag pa niya, may offers daw siya na pinakawalan dahil pinili niyang magpokus na lang sa kanyang bagong trabaho as content creator.
Pero siyempre, hindi pa rin daw nawawala iyong ilang endorsements na iba naman sa showbiz.
Kung akala raw ng iba ay wala siyang masyadong ginagawa, mali raw ang impresyon nila.
Mabusisisi raw ang kanyang mundong pinasukan bilang content creator.
Kasama raw sa trabaho niya ngayon ay ang pag-oorganisa ng events with some trusted partners.
Kung nakikita raw siyang nagta-travel ay part and parcel din ito ng kanyang trabaho.
Bukod sa content creation, meron ding production house si Dominic na Black Peak Hypermedia Productions na gumagawa ng audio-visual presentations at digital ads.
Sa ngayon, kuntento na raw siya sa pagsuporta sa dyowang si Sue Ramirez sa showbiz career nito.
Sa naturang panayam, sinabi rin ni Dominic na masaya raw siya para sa ex na si Bea Alonzo at sa rumored boyfriend nitong si Vincent Co.
Hirit pa niya, pareho na rin daw silang nakapag-move on mula nang magkahiwalay sila noong nakaraang taon. Archie Liao