Home ENTERTAINMENT Dominic, may mensahe sa engagement nina Ryan at Paola!

Dominic, may mensahe sa engagement nina Ryan at Paola!

Manila, Philippines – Engaged na nga ang It’s Showtime host na si Ryan Bang at non-showbiz girlfriend nitong si Paola Huyong.

Sa mga larawang lumabas sa social media, naganap ang proposal ng South Korean TV host sa isang resto.

Makikita sa isang litrato na nakaluhod si Ryan sa harap ni Paola na may hawak na diamond ring.

Still another photo shows a bouquet of roses with a card from Ryan that says: “Mi amor. Thank you for saying yes. Can’t wait to spend the rest of my life with you. From your soon to be husband.”

Sa buong pagkakaalam ni Paola ay selebrasyon lang ‘yon ng kaarawan ng kanyang brother.

Bumuhos naman ang mga congratulatory messages mula sa mga kapwa Showtime hosts ni Ryan tulad nina Amy Perez, Jhong Hilario, etc.

Ang unang nakaalam ng proposal ni Ryan sa kanyang nobya ay ang itinuturing niyang showbiz mommy na si Vice Ganda.

Of the well wishers, ang pinakanapansin ay ang simpleng mensahe ni Dominic Roque.

Naikunek kasi ito sa no show ng dati nitong nobya na si Bea Alonzo sa Showtime para i-promote ang bago nitong teleserye sa GMA.

Matatandaang last year, sa kunwari’y photo shoot ni Bea, nag-propose si Dominic sa nobya.

Kaagad naisip ng mga netizens na ang pag-propose ni Ryan sa nobya nito ay nag-flashback sa alaala ni Dominic.

Ganoon na lang ang panghihinayang ng mga ito.

Well, that’s how the cookie crumbles. Ronnie Carrasco III