Home ENTERTAINMENT DonBelle, rarampa sa Walk of Fame!

DonBelle, rarampa sa Walk of Fame!

Manila, Philippines – Isa sa napiling awardees sa ika-18 edisyon ng inaabangang Eastwood City Walk of Fame ay ang phenomenal na tambalang DonBelle nina Donny Pangilinan at Belle Mariano.

Pararangalan sila sa Marso 6 sa Eastwood City kung saan ang kanilang pangalan ay mananatili nang nakaukit sa kasaysayan ng Pinoy showbizlandia.

Kasama nilang bibigyan ng parangal sa larangan ng telebisyon ang GMA CEO na si Atty. Felipe Gozon, ang star builder na si Johnny Manahan, ang film producer na si Wilson Tieng, ang TV host na si Luis Manzano, ang Kapuso beauty queen na si Michelle Dee, ang Chinoy actor na si Richard Yap at ang Kapuso actress na si Sanya Lopez.

Sa larangan naman ng pelikula ay pasok ang Cannes best director na si Brillante Mendoza, kilalang comedy director na si Tony Y. Reyes, Viva honcho Vic del Rosario at ang award-winning actor na si Baron Geisler.

Sa larangan naman ng news and public affairs ay napili sina Cathy Yang at Lhar Santiago samantalang sa radio ay nakasama sa listahan ang komentaristang si Joel Reyes Zobel.

Sa kategorya ng musika ay pararangalan naman ang bandang Rivermaya at ang The Dawn.

Pasok naman sa larangan ng social media ang socialite at YouTuber na si Small Laude samantalang ang seasoned theater actress na si Menchu Lauchengco ang napili sa larangan ng teatro.

Ang Eastwood Walk of Fame ay itinatag ng namayapang master showman na si German Moreno na katumbas ng pamosong Hollywood Walk of Fame sa Amerika. Archie Liao

Previous articleBI magsasagawa ng service caravan sa buong bansa
Next articleSupporters ni Quiboloy magsasagawa ng prayer rally sa Maynila