Home METRO Supporters ni Quiboloy magsasagawa ng prayer rally sa Maynila

Supporters ni Quiboloy magsasagawa ng prayer rally sa Maynila

MANILA, Philippines – Nakatakdang magkasa ng prayer rally ang mga taga-suporta ni Kingdom of Jesus Christ Leader Pastor Apollo Quiboloy sa Liwasang Bonifacio sa Maynila.

Ang pagsasagawa ng prayer rally ay upang ipakita ang kanilang suporta sa kanilang lider na ngayon ay nahaharap sa kaliwat-kanang kontrobersiya.

Inaasahang dadaluhan ng hindi bababa sa isang libong katao ang prayer rally ngayong hapon.

Nahaharap si Quiboloy sa patung-patong na reklamo sa Senado dahil sa alegasyon ng pangmomolestiya sa mga babaeng myembro ng relihiyon na kanyang pinamumunuan.

Kapwa pinadalhan na rin ng Senado at Kamara ng subpoena si Quiboloy kaugnay sa pagdinig sa prangkisa ng Sonshine Media Network International na kanyang pinamumunuan.

Nagdeploy naman ang Manila Police District ng kanilang mga tauhan sa Liwasang Bonifacio Maynila para tiyakin ang matiwasay na pagtitipon ng mga supporters ng tele evangelist leader. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleDonBelle, rarampa sa Walk of Fame!
Next articleMIAA umamin: Daga, ipis, surot dahil sa kapabayaan