Home ENTERTAINMENT Donita, nag-throwback sa pinagdaanang depression!

Donita, nag-throwback sa pinagdaanang depression!

Manila, Philippines- Sa guesting ni Donita Rose sa Fast Talk with Boy Abunda, sinabi niya na nakaranas siya ng matinding depresyon pero hindi ito naging dahilan para hayaan na lang niyang masira ang kanyang buhay.

Dahil sa kanyang mga pinagdaanan nitong mga nagdaang taon, hindi na niya in-expect na mabibigyan uli siya ng isang taong makakasama at makakatuwang sa buhay.

Ayon kay Donita, parang isang panaginip lang daw na nakapag-asawa siya uli sa katauhan ng musician at events host na si Felson Palad.

“Parang nananaginip pa rin ako, hindi ako makapaniwala na may asawa na ako ulit.

“There was like matinding depression ang pinagdaanan ko. For somebody, I think as jolly and as happy as I am, to go to depression, I couldn’t understand it at the time,” sabi ni Donita.

Patuloy niya,”By now, hindi ako nagsisisi or wala akong regrets sa pinagdaanan kong ‘yan, kasi ngayon ako naging buo.”

Ayon pa kay Donita, napakarami niyang natutunan matapos silang maghiwalay ng dati niyang mister na si Eric Villarama noong 2016 na nakasama niya sa loob ng 12 years.

Aniya, mas matapang, mas wais at mas masaya na siya ngayon sa kanyang buhay kasama si Felson.

“Feeling ko now I know who I am. My identity is not in another person. Kasi there was a time noong hiniwalayan ako ng asawa ko na parang ‘Who am I now?’”aniya pa. Rommel Placente

Previous articleSarah, inggit much kay Nadine!
Next articleIG post ni Karla, nakakaintriga; Netizens, naghamon!