Home ENTERTAINMENT IG post ni Karla, nakakaintriga; Netizens, naghamon!

IG post ni Karla, nakakaintriga; Netizens, naghamon!

Manila, Philippines- Host si Karla Estrada ng programang Face to Face sa TV5, ang pre-programming ng Eat Bulaga.

As the title suggests, tinatalakay nito ang mga isyu ng alitan sa pagitan ng mga kaibigan, magkakapitbahay, magkakarelasyon at kung anu-ano pa.

Sa halip na idaan sa korte ang ikalulutas ng kanilang kaso’y pinaghaharap sila, hence the program title.

Doon ay binibigyan ng pagkakataon ang mga parties involved na magpaliwanag.

Ang pinaka-thrust o layunin ng F2F ay maplantsa ang kanilang mga gusot through peaceful means towards a harmonious relationship anew.

Kaso, tila kabaligtaran ito as to how Karla deals with the personal aspects of her life most especially involving her family.

Mapapatunayan ito sa nakakaintrigang post ng TV host sa kanyang Instagram account nitong April 2, Martes.

Nakakaintriga in the sense that Karla’s vague post fueled speculations.

Nag-post kasi si Karla ng larawan ng kanyang anak na si Daniel Padilla.

May caption ito na: “Congratulations, anak…soon!”

May caption din ito na: “To God be the glory!”

Isa si Donita Rose na malapit kay Karla ang nag-comment na: “I don’t know why there’s a need to congratulate, what’s the occasion to celebrate? Anyway, congratulations, Daniel!”

Mabilis namang umandar ang imahinasyon ng isang netizen named Velasco.

Magkakaapo na raw ba si Karla sa malapit na panahon?

Pero paanong magkakaapo si Karla kay Daniel gayong wala naman itong nobyang ipinalit kay Kathryn Bernardo?

Hinahamon tuloy ng mga netizens na isiwalat ni Karla kung bakit kinongratyuleyt niya ang anak sa IG.

Sabihin mo na kasi kung bakit, Karla, face to face! Ronnie Carrasco III

Previous articleDonita, nag-throwback sa pinagdaanang depression!
Next articleRidge of HPA extended ‘gang eastern Luzon