Home NATIONWIDE Ridge of HPA extended ‘gang eastern Luzon

Ridge of HPA extended ‘gang eastern Luzon

MANILA, Philippines – Extended hanggang sa eastern section ng Luzon ang ridge ng High Pressure Area, sinabi ng PAGASA nitong Miyerkules, Abril 3.

Dahil dito, ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorm dahil sa localized thunderstorm.

Samantala, inaasahang mas mababa ang heat index sa Metro Manila sa 39 degrees Celsius sa NAIA, Pasay City station at 38 degrees Celsius sa Science Garden in Quezon City.

Batay sa Heat Index chart, nananatiling mapanganib ang mararanasang init ng panahon para sa ilang tao na posibleng magdulot ng heat cramps at heat exhaustion.

Ang Heat Index ay sinusukat batay sa init na nararamdaman ng isang tao batay sa relative humidity sa isang lugar. RNT/JGC

Previous articleIG post ni Karla, nakakaintriga; Netizens, naghamon!
Next article#WalangPasok ngayong Miyerkules, Abril 3 sa init ng panahon