Home HOME BANNER STORY #WalangPasok ngayong Miyerkules, Abril 3 sa init ng panahon

#WalangPasok ngayong Miyerkules, Abril 3 sa init ng panahon

MANILA, Philippines – Dahil sa matinding init ng panahon ay sinuspinde ng ilang paaralan at lokal na pamahalaan ang face-to-face classes sa mga paaralan ngayong Miyerkules, Abril 3, 2024.

Sinabi ng Department of Education na nagpapatupad ng alternative delivery mode of learning ang ilang mga paaralan para hindi maantala ang pag-aaral sa kabila ng nararanasang init ng panahon.

Sa ulat, suspendido ang face to face classes sa mga sumusunod na paaralan at bayan ngayong araw:

Region 1

Sta. Barbara, Pangasinan: walang face-to-face classes mula pre-school to high school (public and private) mula Abril 2 hanggang Abril 5, 2024

Mapandan, Pangasinan: walang face-to-face classes sa lahat ng paaralan (public and private) ngayong Abril 3, 2024

Manaoag, Pangasinan: walang face-to-face classes mula pre-school hanggang senior high school (public and private) mula Abril 3 hanggang Abril 4, 2024

Region 3

San Fernando, Pampanga: walang face-to-face classes sa lahat ng antas (public and private)

Region 6

Iloilo City: walang face-to-face classes sa lahat ng antas sa territorial jurisdiction nito. Maaari namang magpatuloy sa face-to-face classes ang pribadong paaralan, higher education institutions at graduate classes.

Isabela, Negros Occidental: suspensyon ng klase sa lahat ng antas

Region 7

Talisay, Cebu: walang face-to-face classes sa pampublikong paaralan mula Abril 3 hanggang Abril 14, 2024. Ang pasok sa pribadong paaralan ay depende na sa kani-kanilang pamunuan.

Region 12

General Santos City: walang face-to-face classes sa primary hanggang secondary level (public at private) mula Abril 2 hanggang Abril 5, 2024

South Cotabato
Tantangan: walang face-to-face classes sa panghapong klase mula primary hanggang secondary level (public and private) mula Abril 1 hanggang Abril 15, 2024

Banga: walang face-to-face classes sa panghapong klase mula primary hanggang secondary level (public and private) mula Abril 1 hanggang Abril 15, 2024

Polomolok: walang face-to-face classes sa panghapong klase mula primary hanggang secondary level (public and private) mula Abril 1 hanggang Abril 15, 2024

Tupi: walang face-to-face classes sa panghapong klase mula primary hanggang secondary level (public and private) mula Abril 1 hanggang Abril 12, 2024, maliban sa mga paaralan sa Barangay Miasong at Kablon

Sarangani Province: walang face-to-face classes sa lahat ng antas (public and private) mula Abril 3 hanggang 19, 2024

Idineklara rin ng Office of Civil Defense ng Region 12 ang suspensyon ng pasok sa lahat ng 11 local government units sa Sultan Kudarat mula Abril 1 hanggang 15, 2024 dahil pa rin sa heat index. RNT/JGC