Home HOME BANNER STORY 5 lugar posibleng umabot sa dangerous heat index ngayong araw

5 lugar posibleng umabot sa dangerous heat index ngayong araw

MANILA, Philippines – Posibleng umabot sa “dangerous level” ng heat index ang limang lugar sa bansa ngayong Miyerkules, Abril 3.

Ayon sa abiso ng PAGASA, posibleng umabot sa 42 degrees Celsius na heat index ang mga sumusunod na lugar:

Aparri, Cagayan
CBSUA-Pili, Camarines Sur
Dumangas, Iloilo
Catarman, Northern Samar
Guiuian, Eastern Samar

Ang heat index ay maituturing na dangerous levels kung ito ay umabot sa 42°C hanggang 51°C.

Sa panahong ito ay posible ang heat cramps at heat exhaustion sa pagkababad sa matinding sikat ng araw.

Posible ring magdulot ito ng heat stroke lalo na sa mga taong may continued exposure.

Inabisuhan ng PAGASA ang publiko na iwasan muna ang outdoor activity, manatiling hydrated at magsuot ng protective gear upang maiwasan ang heat-related illnesses. RNT/JGC