Home ENTERTAINMENT Donny, nagpaiyak ng fans!

Donny, nagpaiyak ng fans!

141
0

Manila, Philippines – Idols love—and hurt— their fans the most.

Ganito nga ang ginawa ni Donny Pangilinan without intending to.

Dahil kasi sa anunsyong maghihiwalay na sila ng ka-loveteam na si Belle Mariano kung kaya’t pinaiyak ni Donny ang kanilang mga tagahanga.

Matapos nga ito ng deklarasyon ng DonBelle na hindi na muna sila magtatambal uli sa isang proyekto.

Nasakyan agad ng mga faney ang message sa simpleng post ni Donny tungkol sa pagpapahinga ng kanilang tambalan.

Sa Instagram, Donny posted an old black and white picture nila ni Belle.

Ang caption lang nito’y isang white heart emoji.

To which ay nag-comment din ng emoji (finger heart) si Maricel Laxa, ina ni Donny.

In-assure naman si Maricel ng mga fans that they will always be around to support DonBelle.

Sa aminin man o hindi ni Donny, nagdurugo ang puso ng kanilang mga tagahanga–to the point na marami siyang pinaiyak.

Up to the last minute, umaasa ang mga fans na prank lang ‘yon.

Sana daw ay paandar lang ‘yon kahit lipas na ang April Fools’ Day.

Huhuhu! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here