Home SPORTS Doping case ni Sinner wala pang desisyon – WADA

Doping case ni Sinner wala pang desisyon – WADA

MONTREAL, Canada — Hindi pa magkakaroon ng desisyon ang doping case ni tennis star Jannik Sinner  mula sa Court of Arbitration for Sport (CAS) bago matapos ang taon, sinabi ng World Anti-Doping Agency (WADA) sa AFP.

“Walang mangyayari sa pagtatapos ng taon,” sabi ni WADA director general Olivier Niggli.

Dalawang beses na nagpositibo ang Italian world number one sa trace ng ipinagbabawal na substance na clostebol noong Marso ngunit pinawalang-sala at pinayagang magpatuloy sa paglalaro.

Ang isang independiyenteng tribunal sa katapusan ng Agosto, na hiniling ng International Tennis Integrity Agency (ITIA) ay natagpuan na ang Australian Open at US Open champion ay “walang kasalanan o kapabayaan”.

Tinanggap ng ITIA ang paliwanag ni Sinner na ang gamot ay pumasok sa kanyang sistema nang gumamit ang kanyang physiotherapist ng spray na naglalaman nito upang gamutin ang isang hiwa, pagkatapos ay nagbigay ng masahe at sports therapy sa manlalaro.

Inapela ng WADA ang desisyon  matapos ma-clear ang 23-taong-gulang at target na bigyan ang manlalaro ng  dalawang taong suspensiyon.JC