Home METRO DOST, TUP katuwang ng Navotas LGU sa mas maayos na waste management

DOST, TUP katuwang ng Navotas LGU sa mas maayos na waste management

NILAGDAAN nina Mayor John Rey Tiangco, Punong Barangay Domingo Elape of NBBS Dagat-dagatan, DOST-NCR Regional Director Engr. Romelen Tresvalles, at TUP Taguig Campus Director Dr. Rexmell Decapia, Jr. ang Memorandum of Agreement para sa Enhancing Solid Waste Management in Urban Waterways Through TUP developed Aqua Trash Collector Bot (AQUABOT) sa pagitan ng City Government of Navotas, NBBS Dagat-dagatan, DOST, at Technological University of the Philippines. JOJO RABULAN

SA pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaang Navotas sa Brgy. NBBS Dagat-dagatan, ang Department of Science and Technology (DOST), at ang Technological University of the Philippines (TUP), ay lumagda sa isang memorandum of agreement na may layuning pagbutihin ang pagsasaayos ng basura sa urban waterways sa pamamagitan ng paglalagay sa Aqua Trash Collector Bot (AQUABOT).

Ang AQUABOT, ay pinaunlad ng TUP at pinondohan ng DOST, ay isang remote-controlled vessel na dinisenyo para sa episyenteng pagkolekta ng basura sa maliit na katubigan tulad ng sapa at kanal.

Ito ay maaaring makakolekta ng 20 kilos ng basura kada oras.

Sa ilalim ng kasunduan, isang AQUABOT unit ay itatalaga sa Brgy. NBBS Dagat-dagatan.

Nasa 20 indibidwal ay makatatanggap ng specialized training sa pagpapaandar at mabisang pagaganahin ang AQUABOT.

Nagsilagda sa MOA kabilang sina Navotas City Mayor John Rey Tiangco, Punong Barangay Domingo Elape ng NBBS Dagat-dagatan, DOST-NCR Regional Director Engr. Romelen Tresvalles, at TUP Taguig Campus Director Dr. Rexmell Decapia, Jr.

“Proper solid waste management is crucial for the health and well-being of our community and the preservation of our environment. The deployment of the AQUABOT represents a concrete step towards cleaner waterways. I urge every NavoteƱo to support this initiative and take an active role in keeping our city clean and sustainable,” ani Tiangco.

“Our city, our home. Let’s cherish and protect it by ensuring cleanliness, sustainability, and community involvement. Together, we can make Navotas a model of urban stewardship and pride,” dagdag ng alkalde. (R.A Marquez)