Home ENTERTAINMENT Gabby, tablado na sa mga plano ni Sharon!

Gabby, tablado na sa mga plano ni Sharon!

Manila, Philippines – Asang-asa ang mga fans nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion na papasok sa isang collab ang ABS-CBN at GMA for a possible teleserye.

Matatandaang nagawa na nila ito with Jodi Sta. Maria and Richard Yap, Gabbi Garcia and Joshua Garcia.

Kaso, ang napapabalita palang teleserye ng Megastar sa ABS-CBN ay ang pagsasamahan nila ni Julia Montes.

Sharon was last seen in FPJ’s Ang Probinsyano.

Sha and Julia who she considers her anak-anakan appeared in a few scenes together.

Bigla tuloy nanlumo ang mga expectant Sha-Gab fans.

Pero may nakapagsabi na rin sa kanila na huwag nang umasang magsasama pang muli ang dating loveteam as they did sa kanilang Dear Heart concert.

Mismong si Sharon na rin daw kasi ang nag-itsa-puwera kay Gabby na magkaroon pa sila ng future projects together.

Tigilan na raw ng kanilang mga fans ang mag-llusyon ng isang teleserye for the ex-couple.

Sabi nga ng isang non-fan: hindi kasama sa selebrasyon ng National Hopia Day sa July 19 ang mag-hope o umasang magkakasundo pa sina Sharon at Gabby! Ronnie Carrasco III