Home NATIONWIDE Resbak na ethics complaint kay Binay pwede ko ring isampa – Cayetano

Resbak na ethics complaint kay Binay pwede ko ring isampa – Cayetano

Nagtalo sina Senador Nancy Binay at Senador Alan Cayetano sa pagdinig ng Senado sa P21.7B project para sa bagong Senate building. CESAR MORALES

MANILA, Philippines – Maaaring sampahan din ni Senador Alan Peter Cayetano ng ethics complaint si Senador Nancy Binay sa usaping “unethical behavior” sa ginanap na pagdinig ng Senate committee on accounts noong Hulyo 3 hinggil sa lumobong gastusin ng new Senate building (NSB).

Sa panayam, sinabi ni Cayetano, chairman ng komite na “mukhang guilty” si Binay sa paghahain ng reklamo sa ethics committee ng Senado.

“Actually, the picture was sent to me. This is the picture. It’s my first time to see someone file a complaint, but they are the ones who look guilty,” ani Cayetano.

Sinabi ni Cayetano na naging “disruptive” o sumasabad nang hindi nagpapaalam si Binay sa ginanap na pagdinig.

“It’s not allowed to disrupt the hearing, especially if you’re not a member. The chairman is talking, yet you want to speak first, even if he already gave you time. And then you’ll walk out in that manner. Even Sen. Miriam did not do that; she notified the chairman,” giit ng senador.

Aniya, nililito ni Binay ang isyu.

“She knows that nothing will happen with that ethics case. In fact, I can also file an ethics case because what she did was unethical,” dagdag ng senador.

Iginiit pa ni Cayetano na presyo o halaga ng ginastos ang isyu, na maaari naman itama kung nagkamali.

“What did Sen. Binay do? She started going around, gossiping and spreading rumors, including claims that our numbers are wrong,” paliwanag ng senador.

Idinagdag ng senador na maaaaring dumalo si Binay sa mga susunod na pagdinig hinggil sa lomobong gastusin ng bagong gusali.

Pero, dapat sundin ni Binay ang rules ng komite, ayon kay Cayetano.

“But if you disrupt the hearing, I won’t take that sitting down,” giit niya.

Sa kanyang 15-page na ethics complaint na inihain sa Senate ethics panel, sinabi ni Binay na binastos siya ni Cayetano at kumilos nang walang sa lugar, gumamit ng nakakasakit, derogatory at hindi angkop na pananalita sa pagdinig noong Hulyo 3. Ernie Reyes