Home NATIONWIDE DOT, BI, DOJ sanib-pwersa sa pagpapalakas ng cruise tourism

DOT, BI, DOJ sanib-pwersa sa pagpapalakas ng cruise tourism

MANILA, Philippines- Inilunsad ng Department of Tourism (DOT) sa pakikipagtulungan ng Department of Justice (DOJ) at Bureau of Immigration ang Cruise Visa Waiver (CVW) Program sa pagsisikap nitong palakasin ang cruise tourism portfolio ng bansa.

Ang inisyatiba ay naglalayong i-streamline ang mga proseso ng visa at makaakit ng higit pang mga international cruise ship sa bansa, na magpapatatag sa katayuan ng Pilipinas bilang pangunahing destinasyon ng cruise sa Asya.

Ang programa ay resulta ng listening tour convergence meeting ni DOT Secretary Christina Garcia Frasco kasama ang DOJ at BI at kinilala bilang priority concern ng travel at tourism stakeholders sa pulong.

Sa paglulunsad, binigyang-diin ni Secretary Frasco ang kahalagahan ng CVW Program sa pagtataguyod ng kaginhawahan at accessibility para sa mga cruise tourist.

“Kailangan nating lubos na gamitin ang potensyal ng ating mga destinasyon, gayundin ang magbukas ng mga pagkakataon sa lahat ng mga probinsya, lungsod, at munisipalidad ng ating rehiyon.

Kaya naman, ang cruise visa waiver program na nagpapahintulot sa Pilipinas na maging mas accessible, welcoming, at kaakit-akit sa mundo ay isang malugod na inisyatiba,” ayon sa tourism secretary.

Binigyang-diin pa ni Frasco ang kahanga-hangang paglago ng turismo ng bansa, na binibigyang-diin ang lumalagong apela ng Pilipinas bilang destinasyon ng cruise.

Para sa 2024, 117 port calls ang inaasahan ng departamento. Bukod pa rito, nagsusuplay ang Pilipinas ng halos 70,000 cruise crew at hospitality workers sa buong mundo, na nagpapatibay sa mahalagang papel nito sa industriya ng cruise.

Nangako rin si DOJ Assistant Secretary Majken Anika Gran-Ong ng suporta ng Department para sa programa sa pagsasabing: “We demonstrate our commitment in facilitating seamless travel experiences. As visa-required nationals onboard cruise ship vessels arriving in the Philippines will now be able to have a faster and more convenient means of securing an entry visa. This program is of great significance to our country’s tourism, immigration, and economic sectors and is expected to be a catalyst of economic vitality, cultural exchange, and enhanced global connectivity.”

“The Cruise Visa Waiver is more than just a policy change. It is a testament to the government’s proactive approach to economic transformation. This initiative, which allows visa-required nationals vacationing on board cruise ships to enter the Philippines more conveniently, is a major leap towards achieving the Bagong Pilipinas goal envisioned by President Ferdinand Bongbong Marcos Jr,” pahayag naman ni BI Commissioner Norman Tansingco sa kanyang welcome remarks.

Itinampok sa paglulunsad ang mga mensahe ng suporta at pagdalo mula sa iba pang pangunahing opisyal ng gobyerno, kabilang ang Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) Chief Operating Officer Mark Lapid at mga kinatawan mula sa Department of Foreign Affairs (DFA), Maritime Industry Authority (MARINA), Bureau of Quarantine (BOQ), at Ben Line Agencies.

Ang mga pinuno ng pambansang asosasyon ng turismo at mga pribadong stakeholder mula sa industriya ng cruise tourism ay naroroon din, na binibigyang-diin ang pagtutulungan sa pagsisikap na kinakailangan upang maisulong ang inisyatiba na ito. Jocelyn Tabangcura-Domenden