Home NATIONWIDE DOT, tinutulan permanenteng paglipat ng obra ni Botong Francisco sa Singapore

DOT, tinutulan permanenteng paglipat ng obra ni Botong Francisco sa Singapore

1
0

MANILA, Philippines — Tutol ang Department of Tourism (DOT) sa planong permanenteng ilipat sa Singapore ang 1946 painting na “Kalantiao at Lubluban” ni National Artist Carlos “Botong” Francisco.

Kasunod ito ng petisyon sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA) na alisin ang presumption ng artwork bilang Important Cultural Property, hakbang na maaaring magbigay-daan sa permanenteng export nito sa National Gallery Singapore.

Ayon sa DOT, kinikilala nito ang interes ng National Gallery Singapore na makuha ang obra ngunit dapat mapanatili ang makabuluhang access dito ng mga Pilipino.

Hinimok ng ahensya ang NCCA na ikonsidera ang ibang arrangement kung saan mananatili sa Pilipinas ang painting habang maaari pa rin itong maisama sa international exhibitions, scholarly exchanges at iba pang programa sa ibang bansa.

Iginiit ng DOT na ang mga likha ng National Artists ay bahagi ng kasaysayan at pagkakakilanlan ng bansa at mahalaga rin sa pagsusulong ng cultural tourism.

Ang petisyon ay inihain ni Jaime Alfonso Larence Ponce de Leon ng Leon Gallery matapos magpahayag ng interes ang National Gallery Singapore na bilhin ang obra.

Sa ilalim ng Republic Act 11961, ang mga likha ng National Artists ay itinuturing na Important Cultural Properties maliban kung iba ang ideklara ng NCCA.

Tumatanggap ang NCCA ng mga komento at posisyon hinggil sa petisyon hanggang Setyembre 30, 2026. Dave Medina

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here