Home NATIONWIDE DOTr: Greenfield interchange ng SLEX magpapagaan ng trapiko sa Laguna

DOTr: Greenfield interchange ng SLEX magpapagaan ng trapiko sa Laguna

124
0

MANILA, Philippines – Makakatulong na mapagaan ang trapiko sa Calamba City, Laguna ang Greenfield interchange at makakapagbigay pa ng kumbinyenteng access sa South Luzon Expressway (SLEX) kapag nakumpleto , sinabi ng Department of Transportation (DOTr) nitong Lunes.

Sa groundbreaking sa Ayala Greenfield Interchange, sinabi ni DOTr Undersecretary for Road Transport Jesus Ortega na ang interchange ay magbibigay ng isa pang maginhawang access para sa mga motorista sa SLEX.

Sina Ayala Corp. at Ayala Land Inc. chair Jaime Zobel de Ayala at San Miguel Corp. president at chief executive officer Ramon Ang ay nagpasalamat sa DOTr sa kanilang suporta.

Binigyang-diin nila ang proyekto bilang testamento sa kapangyarihan ng partnership sa pagpapabuti ng kalidad ng buhay ng mga Pilipino.

Kapag nakumpleto na, ikokonekta ng interchange ang SLEX Toll Road 3 sa mga lokal na kalsada.

Magbibigay ito ng mas madaling pag-access sa SLEX at sa STAR Tollway para sa mga motorista na nagmumula sa Calamba. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here