Home NATIONWIDE DOTR handa na sa Undas exodus

DOTR handa na sa Undas exodus

MANILA, Philippines – NAKAHANDA na ang transport sector ng bansa para sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero sa panahon ng pagdiriwang ng All Saints’ Day at All Souls’ Day ngayong linggo.

Sa press briefing sa Malaanyang, araw ng Lunes, Oktubre 28 sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista na ang Department of Transportation (DOTr) at iattached agencies nito ay nagsagawa ng kinakailangang paghahanda sa inaasahang pagtaas ng bilang ng mga byahero sa ‘airports, seaports, at bus terminals.’

“Ang Department of Transportation together with the other attached agencies – ang CAAP (Civil Aviation Authority of the Philippines), and PPA (Philippine Ports Authority), MIAA (Manila International Airport Authority), and Cebu International Airport – we are getting ready for the Undas Biyahe,” ayon kay Bautista.

“Every year we have this Oplan Biyaheng Ayos para sa ating mga mananakay. So, ready tayo. Katulong din natin diyan ang Philippine Coast Guard,” dagdag na wika nito.

Sinabi pa ng Kalihim na milyong pasahero ang inaasahan na magba-byahe sa iba’t ibang lalawigan ngayong linggo.

“Actually, millions ‘yung tinitingnan natin. Every year naman millions ‘yung estimate natin. Siguro ‘yun lang bus passengers lang natin aabutin ‘yan mga 1 to 1.5 million passengers.  Airports and seaports siguro easy diyan mga three million ang magbi-biyahe,” ang sinabi pa ni Bautista.

Tinuran pa ni Bautista na ang lahat ng airports at seaports sa bansa ay kasalukuyang operational sa kabila ng epekto ng Severe Tropical Storm Kristine.

Gayunman, may ilang minor seaports sa Regions IV-A at V ang nagtamo ng pinsala na nagkakahalaga ng P100 million dahil sa bagyo. Kris Jose