MANILA, Philippines- Binalaan ng Department of Transportation (DOTr) ang publiko na peke ang free transport cards na ipinamimigay ng ‘Transportation in Manila’ Facebook page at nagbabala laban sa pakikipagtransaksyon sa plataporma.
Sa abiso, sinabi ng DOTr na ipinamimigay umano ang transport cards bilang bahagi ng 126th anniversary celebration ng ahensya.
Nagbibigay ang account, may Facebook handle na @Transportation-in-Manila, ng beep cards sa pamamagitan sa pag-click sa ‘apply now’ link sa page nito.
“The DOTr would like to clarify that this page is fake and that the agency is not giving away free beep cards as part of its anniversary celebration,” giit ng ahensya.
Nanawagan ito sa publiko na hindi dapat maniwala sa mga parehong post na may “too-good-to-be-true” offers at dapat iulat ang social media posts at pages upang matigil ang panloloko. RNT/SA